-- Advertisements --

Pumalo na sa 28 bangkay ang narekober ng mga rescuers sa gumuhong siyam na palapag na gusali sa Balibago, Angeles City, Pampanga.

Nitong ala-9:56 ng gabi ng Sabado, Hunyo 6, na makuha ang isang bangkay mula sa gumuhong gusali.

Ito ang pinakahuling nabawi ng mga otoridad mula a gumuhong gusali dahil mahigit dalawang araw ng hindi nakakita ang mga otoridad.

Patuloy ang ginagawang search, rescue and clearing operations ng mga otoridad sa nasabing lugar.

Magugunitang nitong Mayo 24 ng madaling araw ng gumuho ang nasabing gusali kung saan mahigit 20 katao ang natabunan na pawang mga construction workers.

Kinasuhan ng Angeles City government ang may-ari ng gusali maging ang contractor habang patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa nangyaring insidente.