-- Advertisements --

Nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa P686.8 million halaga ng shabu mula sa isang Chinese national at umano’y kasabwat nitong Pinay sa isinagawang buy-bust operation sa Angeles City, Pampanga.

Kinilala ni PDEA Director General Isagani R Nerez ang mga suspect na sina alyas Wang’ and ‘Shania na naaresto sa Barangay Sto Domingo.

Naging katuwang ng PDEA ang PNP at mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines sa pagsasagawa ng operasyon na nagresulta sa pagkakadakip ng mga suspect.

Nakuha sa pag-iingat nito ang nasa 101 kilo ng shabu na nakatago sa 96 tea bags at limang self-sealing transparent plastic bags.

Kinumpiska rin ng mga otoridad ang isang sasakyan , cellphone at drivers licence .

Tiniyak naman ng PDEA na nananatili silang committed sa paglaban sa ilegal na droga bilang pagtalima sa direktiba ni PBBM.