-- Advertisements --

Bigong manalong alkalde sa Angeles City, Pampanga si dating Philippine National Police chief, PGen Oscar Albayalde.

Batay sa resulta ng 100% Election Returns sa Angeles City, nakakuha lamang si Albayalde ng 58,953. Dinumina ni Pampanga 1st District Representative Carmelo Jon Lazatin ang mayoralty race ay kumamada ng 98,164 votes.

Si Albayalde ang nagsilbing PNP chief mula April 2018 hanggang October 2019, habang nasa kasagsagan noon ang drug war ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kabilang banda, nangunguna naman bilang gobernador ng Cagayan si dating PNP chief, PGen Edgardo Aglipay.

Batay sa resulta ng 98.42% Election Returns sa Cagayan, nakakuha si Aglipay ng 255,594 votes habang ang kaniyang katungali na si Zara Lara ay nakakuha lamang ng 228,334 votes.

Si Aglipay ay nagsilbing PNP chief mula August 2004 hanggang March 2005.