Nasa coastal waters ng Calayan, Cagayan ang sentro ng Tropical Storm Kiyapo ngayong hapon. Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 75 km/h malapit sa sentro at bugso hanggang 90 km/h, habang kumikilos sa direksyong kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 25 km/h.
Nabatid na umalawak ang malakas na saklaw ng bagyo hanggang 450 km mula sa sentro. Dahil dito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 sa Batanes, Babuyan Islands, hilagang bahagi ng Cagayan, hilagang Apayao, at hilagang Ilocos Norte.
Samantala, nakataas ang TCWS No. 1 sa natitirang bahagi ng Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Sur, La Union, at ilang bayan sa Aurora.
Ang TCWS No. 2 ay nagbabala ng gale-force winds na may potensyal na magdulot ng minor hanggang moderate na pinsala sa buhay at ari-arian sa loob ng 24 oras.
Sa TCWS No. 1 naman, inaasahan ang malalakas na hangin na may minimal hanggang minor na epekto sa loob ng 36 oras.
Patuloy na pinapayuhan ang mga residente sa mga apektadong lugar na maghanda laban sa posibleng pagbaha, landslide, at pinsala mula sa malakas na hangin.
















