Inilabas na ng ang pagkakakilanlan ng ikaapat na Pinoy na nasawi dahil sa kaguluhan sa pagitan ng Israel at mga Hamas militants.
Kinilala ang caregiver mula sa Iloilo na si Grace Prodigo Cabrera mula sa Brgy. Burak, Maasin, Iloilo.
Ayon sa pamilya ng biktima na kinumpirma sa kanila ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ang Philippine Embassy sa Israel.
Nakilala nila si Cabrera aniya sa pamamagitan ng finger subalit hindi malinaw sa pamilya nito kung paano ito nasawi at kung paano ito nakita.
Ang nasabing OFW aniya ay isa sa tatlong Filipino na naiulat na nawawala mula pa noong Oktubre 7 dahil sa surpresang pag-atake ng mga Hamas militant laban sa Israel.
Siya rin ang isa sa 199 na mga katao na dinukot ng mga militants group kasama ang tatlong kamag-anak at ang kaniyang employer.
Magugunitang mayroong ng unang tatlong nasawi na kinilala sina Loreta Alacre, 49-anyos, Angeline Aguirre, isang nurse at Paul Vincent Castelvi, 42-anyos at isang caregiver.