nesthy petecio
Nesthy Petecio

Nabigong makapaglaro sa 2020 Tokyo Olympics ang Filipina boxer na si Nesthy Petecio.

Ito ay matapos na hindi umubra kay Sena Irire ng Japan sa kanilang women’s featherwieght fight sa Olympic qualifiers sa Amman, Jordan.

Nakuha ng 19-anyos na Japanese boxer ang split decision.

May pag-asa pa si Petecio na makapaglaro sa Olympics dahil sasabak ito sa World Olympic Qualifying Tournament na gaganapin sa Paris, France sa buwan ng Mayo.