-- Advertisements --

Isinusulong ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang modernisasyon at pagpapalawak ng kapasidad ng National Resource Operations Center sa Pasay City at Visayas Disaster Resource Center (VDRC) sa Mandaue City, Cebu bilang utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, tumaas na ang kapasidad ng dalawang center nila ukol sa paggawa ng Family Food Packs (FPPs) mula sa dating 40,000 kada araw patungo sa 70,000 FPPs.

Kabilang pa sa mga makabagong pasilidad ang tatlong rice bagging machines na gumagamit ng vacuum seal technology para pahabain ang shelf life ng bigas at maprotektahan laban sa dumi.

Dagdag pa rito, inilunsad din ng DSWD ang automated notifications para sa mga materyales ng FFPs upang masigurong nasusubaybayan ang expiration ng mga relief goods.