Reading Time: 1 minute

CAGAYAN DE ORO CITY – Kinumpirma ng militar ang pagkahuli ng pinaniniwalaang recruiter ng Maute-ISIS terrorist group sa Lanao del Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni 103rd Infantry “Haribon” Brigade commander Brigadier General Romeo Brawner na bunsod ito ng kanilang mas pinaigting na kampaniya laban sa recruitment activities ng teroristang grupo.

Ngunit, hindi pinangalanan ni Brawner ang naturang recruiter upang hindi umano maapektuhan ang kanilang operasyon laban sa mga kasamahan nito.

Kinumpirma rin ni Brawner ang suporta ng taong-bayan sa kanilang hangarin na tuluyan nang mawawasak ang Maute- ISIS group.

Nauna rito, nahuli rin ng militar sa Lanao del Sur ang dalawang supporter ng nasabing grupo.