-- Advertisements --

Nagsanib pwersa ang ilang mambabatas kung saan naghain ang mga ito ng panukalang batas na layong palakasin pa ang tindig ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ito ay kinabibilangan ng Akbayan Party-list, Mamamayang Liberal Party-list at ilang Liberal Party lawmakers.

Ayon kay Akbayan Rep. Chel Diokno ang panukalang batas ideklara ang July12 bilang National West Philippine Sea Victory Day at ang pagtuturo ng kasaysayan ng West Philippine Sea sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa primary at secondary level.

Sa panig naman ni Mamamayang Liberal Rep. Leila De Lima, kaniyang binigyang-diin na ang hakbang na ito ay para ipaalala sa lahat ng Pilipino na ang West Philippine Sea ay atin.

Ang pagtuturo naman ng isyu ng WPS sa mga eskuwelahan ay magsisilbing panangga sa pagkalat ng maling impormasyon at fake news.

Para kay Dinagat island Rep. Kaka Bag-ao kaniyang ipinaalala na hindi lang ito basta laban para sa teritoryo ng bansa kundi laban para sa kabuhayan ng mga mangingisda na apektado ng panggigipitng China.

Ang nasabing panukala ay suportado ni Albay Rep. Kriselle Lagman at sinabing pagpapakita ito ng kongreso na hindi nila nakakalimutan ang mga apektadong komonidad.