DAVAO CITY – Kinumpirma ngayon ng Department of Agriculture (DA) Region 11 ang pinakaunang kaso ng African swine fever (ASF) sa Davao city.

Ito ay matapos maitala ang sunod-sunod na pagkamatay ng mga baboy sa Barangay Lamanan at Dominga nitong lungsod ng Davao.

Kinumpirma mismo ito ni Ricardo OƱate Jr., Regional Director ng Department of Agriculture Region 11 at Davao City veterinarian Dr. Cerelyn Pinili, na base sa lumabas na resulta ng laboratory test, nagpositibo sa African swine fever ang samples ng kinuha sa namatay na mga baboy sa Brgy. Dominga at Lamanan sa Davao City.

Dahil dito, agad na nagpatupad ng lockdown sa lahat ng uri ng hayop sa Davao city upang mapigilan ang pagkalat ng nasabing sakit ng baboy.

Nababatid na una ng nai-report na sa Brgy. Dominga ay umabot sa 200 na baboy ang namatay at 40 naman sa Brgy. Lamanan.

-- Advertisement --

Una na rin dito, napag-alaman na mula pa noong buwan ng Enero ay unti-unti ng namamatay ang mga baboy sa nasabing mga barangay.

Habang nakatakda ring katayin ang 2,000 mga alagang baboy sa naturang lugar.