Bagong PCO secretary dave gomez, nanumpa na sa pwesto, may 3ps policy sa kaniyang pagtupad sa tungkulin
Pormal ng nakapanumpa sa pwesto bilang bagong kalihim ng presidential communications office si Dave Gomez.
Sa isang simpleng seremonya sa malakanyang ay pinanumpa si Gomez ni Exec Sec Lucas Bersamin.
Sa kaniyang mensahe, sinabi ni gomez na nalulugod siya sa tiwala at kumpiyansang ipinagkaloob sa kaniya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kaya naman susuklian aniya niya ito ng kaniyang 100 porsientong commitment at pagtutok sa kaniyang trabaho.
Ayon kay Gomez, pangunahing marching order sa kaniya ng pangulo ay ang patuloy na pagtataguyod ng pagiging transparent ng gobyerno, pangalagaan ang press freedom at ipagtanggol ang karapatan ng bawat mamamayan sa malayang pamamahayag, binigyang diin pa ni gomez na hindi privilige ang access sa impormasyon kundi isang pundasyon ng accountability at tiwala ng publiko.
Dagdag pa nito, ang pangunahing papel niya bilang PCO secretary ay ipabatid sa publiko ang mga programa at polisiya ni pangulong ferdinand marcos minus ang politika.
kaya naman kung meron aniyang tanong ang media na patungkol sa politika o anupamang mga isyung politikal, hindi niya ito masasagot.
Isusulong din aniya niya ang digital transformation sa PCO bilang bahagi ng digital footprints ng administrasyon.