-- Advertisements --

Nakapagtala ng pinakamtaas na bilang ng mga namatay ang Cebu City sa loob lang ng isang araw dahil sa coronavirus base sa ulat na inilabas ng city health department nitong Huwebes ng umaga.

Ito na ang pinakamataas na bilang ng naiulat na pagkamatay simula ng pagsimula ng quarantine nitong Abril.

Pangalawang araw na rin ito na sunud-sunod na nakapagtala ang lungsod ng namatay na higit sa lima.

Sa ngayon nasa 58 na ang bilang ng namatay at may mortality rate na 1.4 percent.

Bukod sa pagkamatay, naitala din ng lungsod ang 122 na bagong kaso ng COVID-19 mula sa 34 na mga barangay.

-- Advertisement --

Sa ngayon, mayroon ng 4,137 na kumpirmadong kaso sa Cebu City kaso ngunit 2,078 na kaso lamang ang aktibo habang ang kabuuang rekober ay nasa 2,001 na.