-- Advertisements --

Ipagpapatuloy na ng bandang Ben&Ben ang kanilang album tour sa buwan ng Agosto.

Pansamantalang natigil kasi ang “The Traveller Across Dimension” tour matapos na nagkasakit ang drummer nila na si Jam Villanueva.

Ang kanilang concert series ay nagsimula noong Nobyembre 2024 sa Cebu City at noong Mayo 24 ay pansamantalang tumigil sila para bigyang daan ang paggaling ng drummer nila na may sakit na De Quervain’s tenosynovitis at sakit din sa kamay nito.

Ilan sa mga show ay gaganapin sa Bacolod City, Baguio City at Davao City.