-- Advertisements --
Inanunsiyo ng bandang Ben&Ben ang paglabas nila ng anthology albuma na “Nine”.
Bahagi ito ng pagdiriwang ng grupo sa kanilang ika-siyam na taong anibersaryo.
Sa kanilang social media account ay isinagawa ang anunsiyo na ilalabas sa darating na Setyembre 24.
Kasabay din ng anunsiyo ay inilakip ang album cover artwork.
Noong nakaraang buwan ay inilabas ng grupo ang “Leaves (Reimagined)”.
Magugunitang noong nakaraang buwan ay inanunsiyo ng banda ang paglabas ng CD at vinyl edition ng kanilang 2019 album na “Limasawa Street”.
















