Naglabas ng subpoena ang senate impeachment court para kay Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte at inatasan siyang humarap sa impeachment trial ng kanyang kapatid na si Vice President Sara Duterte sa Setyembre 23.
Kabilang si Mayor Baste sa mga witness na pinasusubpoena kaugnay ng article II ng articles of impeachment na tumatalakay sa alegasyon ng unexplained wealth laban sa Bise Presidente.
Ayon sa House Prosecution panel, maaaring hingan si Mayor Baste ng impormasyon tungkol sa gencorp industries, inc., isang kumpanyang iniuugnay kay VP Sara, partikular kung nagkaroon Ito ng mga transaksyon o dealings sa davao city government habang siya ang alkalde.
Sinabi naman ng prosecution spokesperson na si Benjamin Tolosa jr. na posibleng ma-classify bilang hostile witness si Mayor Baste kung mapatutunayang taliwas sa interes ng prosecution ang kanyang magiging posisyon bilang testigo.
Samantala, pinasusubpoena rin ng impeachment court sina Atty. Ariel Ronquillo at Rendell Sopeña para sa Setyembre 21 hanggang 23, habang sina Mayor Baste, atty. Gary Samonte at Police Major Jerickson Sangalang ay inatasang humarap sa Setyembre 23.
















