DOH entrance
-- Advertisements --

Mula sa 12,576 kahapon, nakapagtala ngayong Linggo ng Pagkabuhay na 11,028 na bagong kaso ng Coronavirus Disease (COVID) sa bansa.

Sa tala ng Department of Health (DOH) alas-4:00 ng hapon, umakyat na sa kabuuang 795,051 ang mga tinamaan ng deadly virus sa Pilipinas.

Iniulat din ng DOH ang 41,205 na bagong recoveries na siyang pinakamataas na bilang mula nang magsimula ang pandemya.

Dahil dito, nasa 646,100 na ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID.

Nasa 13,425 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi matapos madagdagan ngayong Linggo ng dalawa.

-- Advertisement --