-- Advertisements --

Umakyat na sa halos isang daang libo ang naitalang naapektuhan ng mga pagbahang dulot ng mga pag-ulang dala ng bagyong Bising at Habagat sa bansa.

Sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, pumalo na sa 31,106 pamilya ang naitalang apektado.

Katumbas ito ng kabuuang 97,274 indibidwal ang apektado ng masamang panahon mula sa mga rehiyon ng 97,274 indibidwal ang apektado ng masamang panahon mula sa mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera at Central Luzon.

Maliban dito ay naitala rin ng ahensya ang nasa 17 road sections at isang tulay na naapektuhan habang ang tatlong kalsada dito ay hindi madaanan ng mga motorista.

Aabot na rin sa labing anim na mga bahay ang napinsala kung saan apat dito ang naitalang totally damage mula sa Central Luzon at 12 naman ang naitalang partially damage mula sa bahagi ng Cordillera.

Wala namang patid ang pagtugon ng mga lokal na pamahalaan at maging ng mga national disaster teams sa lahat ng mga apektadong residente ng sama ng panahon.