Umabot na sa P143 million ang pinsala sa imprastraktura matapos ang magkasunod na lindol na yumanig sa bayan ng Manay, Davao Oriental noong Oktubre 10, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Batay sa tala ng Office of Civil Defense (OCD) apektado ang mahigit 1.4 milyong katao sa rehiyon, kung saan 9 na ang naiulat na nasawi at 403 ang sugatan.
Naitala din ang 18,811 na bahay ang napinsala kung saan 17,622 dito ang bahagyang nasira at 1,189 naman ang tuluyang gumuho bunsod ng malalakas na lindol.
Kaugnay nito nanantili naman sa 12 evacuation centers ang 771 na pamilya o katumbas ng 2,613 katao, habang tuloy-tuloy ang mga relief operations at pagsasaayos ng mga nasirang daanan at gusali.
Samantala mahigit P1.183 million na tulong na ang naipamahagi para sa mga apektadong lugar, at kasabay nito ang pagdedeklara ng state of calamity ng Caraga, Davao Oriental upang mapabilis ang pagbibigay ng ayuda.