-- Advertisements --

Sinimulan na ang serye ng ASEAN meetings sa Panglao, Bohol.

Ito ang kinumpirma ni Police Captain Thomas Zen Cheung, designated spokesperson ng Bohol ASEAN security coverage, sa eksklusibong panayam ng Star FM Cebu.

Ayon kay Cheung, nagsimula ang mga pagpupulong noong Lunes, Enero 19, at magtatagal hanggang Enero 31.

Kabilang sa mga isinasagawang aktibidad ang ASEAN Economic Officials’ Meeting, 30th CLMV Senior Economic Officials’ Meeting, at ang Special Senior Officials’ Meeting on Energy, na dinaluhan ng daan-daang delegado mula sa iba’t ibang bansa.

Susundan pa ito ng mga trade meeting na pangungunahan ng Department of Trade and Industry sa huling bahagi ng buwan.

Ayon sa Department of Tourism na malaking tulong ang mga nasabing aktibidad sa pagpapalakas ng lokal na ekonomiya at turismo ng lalawigan.

Ibinunyag naman ni Cheung na kahapon, Enero 21, apat na meetings ang isinagawa.

Tiniyak naman niya na nananatiling ligtas at mapayapa ang sitwasyon sa seguridad sa probinsya at sa ngayon ay wala pang namo-monitor na anumang banta.

Dagdag pa ni Cheung, handa ang kanilang hanay na tumugon agad sa anumang posibleng insidente.