Binuksan na ng India ang isa sa pinakamalaking ospital sa buong mundo para sa paglaban sa coronavirus.

Ang Sardar Patel COVID Care Center ay siyang pinakamalaking pasilidad sa India at ito ay bahagyang nagsimulang mag-operate nitong Linggo.

Mayroong 10,000 beds capacity kung saan ang 8,000 dito ay nakalagay sa Chattarpur area sa Delhi.

Itinuturing ni Delhi Chief Minister Arvind Kerjiwal na ito na ang pinakamalaking pagamutan sa buong mundo.

Ayon naman kay Home Minister Amit Shah na ang 10,000 bed facility ay magbibigay ng kaginhawaan sa mga tao ng Delhi.