-- Advertisements --

Patay ang dalawang katao habang sugatan ang 32 iba pa matapos ang pagbagsak ng tulay sa India.

Ayon kay Chief Minister Devendra Fadnavis na mayroong anim na katao ang kanilang nailigtas at nasa kritikal na kondisyon sa pagamutan.

Naganap ang insidente sa Kundamala area sa Pune district kung saan maarin dahil sa walang tigil na pag-ulan kaya bumigay ang tulay.

Agad na nagsagawa ng pag-rescue ang mga otoridad kung saan dinala na ang mga sugatang biktima sa pagamutan.