Tuluyan ng kinansela ang taunang Montreal Jazz Festival sa Canada.

Bukod sa nasabing pinakamalaking Jazz festival ay kanselado na rin ang ilang mga summer jamborees sa francophone metropolis sa Canada dahil sa coronavirus pandemic.

Ayon sa organizers, na ang desisyon ay base sa napagpasyahan ng kanilang mga private partners at ng gobyerno.

Nakatakda sana ito sa June 25 habang ang Franco de Montreal music festival ay gaganapin sana sa Hunyo 12 na kinansela na rin.

Ang nasabing music festival ay siyang dinarayo ng mga turista mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.