Kinilala ng Sports Industry Awards Asia (SPIA) ang Philippine Sea Games Organizational Committee (PHISGOC) sa kakayanan nitong mag-organisa ng pinakamagandang SEA Games.

Sa pananaw umano nila, ibang level ang effort na ibinigay upang maging world class ang opening ceremonies at ang kabuoang 56 sports at 530 na iba pang events.

Ang SPIA Asia Awards ay isa sa mga prestisyoso at kinikilalang award giving body sa Asya na may malalim na background sa pagbibigay ng pagkilala sa Asian Sports Industry ng mahabang taon.

Bilang nangungunang sports business conference at awards platform sa Asia, ang SPIA Asia ay nagbibigay ng recognition sa Asia’s Top 10 sa mahigit 25 distinct awards categories kasama na ang Asia’s Best Sportsman at Asia’s Best Sports Woman category, na meron pang gold, silver at bronze na iginagawad sa best performers.

Mismong is SPIA CEO Eric Gottschalk ang personal na nagbigay ng award kay PHISGOC Chairman Alan Peter Cayetano at PHISGOC Chief Operating Officer Ramon Suzara sa ginanap na conference na inorganisa ng SPIA Asia sa Grand Hyatt Hotel.

Nagalak naman si Suzara sa SPIA at sinabi nito na lalo pang mai-inspire ang tauhan ng PHISGOC para lalong ganahang magrabaho para mapagbuti pa ang pagdaos ng SEA Games sa mga natitirang araw.

Matapos ang 14 taon, ang Pilipinas ang nag-host sa 30th edition ng Southeast Asian Games.

Ang matagal na pag-aabang ay sulit sa maganda at maayos na Games kung saan naging oportunidad para sa bansa na ipakita ang kaayusan sa pagsagawa ng biennial games.

Naging daan din ito na malaman ng ibang bansa na ang Pilipinas ay isang sports powerhouse sa rehiyon.

Matapos ang tatlong araw, ang mga atleta ay umani na agad ng 95 medals sa iba’t-ibang kompetisyon sa halos lahat ng sports events.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here