-- Advertisements --

Tiniyak ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na tuloy-tuloy ang pagsasaayos ng Piggatan Bridge sa Cagayan, na bumagsak noong Oktubre 6.

Ayon sa datos na inilabas ng ahensya, nasa 42.23% na ang progreso ng tulay sa loob ng dalawang linggo mula nang simulan ang pagkukumpuni.

Sinabi ni Sec. Dizon na ginagawa nila ang agarang aksyon upang maayos ang tulay para sa mga magsasakang kailangang maidaan ang kanilang mga produkto, lalo na’t panahon ng anihan ngayon.

Samantala, sinigurado ng ahensya na aayusin din ang mga nakikitang problema sa pansamantalang detour road na dinadaanan ng mga sasakyan habang inaayos ang bumagsak na tulay.