Hindi na muna magpapadala ng mga migrant workers ang Pilipinas sas Israel, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.
Patuloy aniyang ipoproseso ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga job applications, kabilang na ang mga dokumento ng nasa 400 Pilipinong caregivers na nakatakdang lumipad patungong Israel, subalik hindi muna ipapadala ang mga ito sa naturang bansa.
Patuloy naman aniyang nakikipag-ugnayan ang DOLE kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. patungkol naman sa alert level sa Israel para malaman din kung kailan maari at hindi puwedeng magpadala ng mga manggagawang Pilipino sa naturang bansa.
Sinabi ni Bello na papayagan lamang ang pagpapadala ulit ng mga manggagawang Pilipino sa Israel kung bumuti na ang sitwasyon doon, na kasalukuyang naiipit sa sigalot sa pagitan ng Hamas militants at Israel government.
Gayunman, sa ngayon, nagpadala na ang DOLE ng rapid response team para sa repatriation ng mga Pilipino sa Israel na nais nang umuwi ng Pilipinas.
Subalit ayon kay Bello ay wala naman pang nagsasabi sa kanila na nais na nilang bumalik ng bansa.
Nabatid na aabot sa 30,000 ang overseas Filipino workers sa isarel, at karamihan sa mga ito ay pawang mga domestic workers, base na rin sa datos ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)