-- Advertisements --
Kinumpirma ng pamunuan ng Department of Foreign Affairs ang pagkakasawi ng isang turistang Pilipino matapos na mabundol ng taxi kahapon.
Tinukoy ng ahensya ang biktima na isang 35 anyos na lalaki na nagtamo ng matinding pinsala dahil sa insidente .
Nangyari ang insidente sa Tsuen Wan West sa Hong Kong.
Kasalukuyang nasa Kwai Chung Public Mortuary ang labi ng biktima.
Nabatid na isang 80 anyos na lalaki ang suspect at ito ay kasalukuyang nasa kustodiya ng mga otoridad.