-- Advertisements --

Nanawagan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa China na tigilan na ang pananakop sa Panganiban at Subi Reefs sa West Philippine Sea.

Ayon sa DFA na ang mga ito ay malinaw na sakop ng Philippine exclusive economic zone (EEZ) at napapaloob sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) base na rin sa 2016 Arbitral Award.

Iginiit ng DFA na ang pagtatayo ng isla ng China ay lumalabag sa Philippine Maritime Zones Act at UNCLOS.

Ang nasabing pahayag ng DFA ay kasunod ng ginawa ng People’s Liberation Army (PLA) na pagpapakawala ng ilang flares laban sa eroplano ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagsasagawa ng maritime domain awareness flight nitong Lunes.

Nagsagawa rin ang mga Chinese forces na sumasakop sa Panganibang at Zamora Reefs ng radio challenge sa eroplano ng Pilipinas bago ang kanilang paglapag sa Pag-asa Island.