-- Advertisements --

Patuloy sa pagsasagawa ng operasyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Command sa Palawan para sa paghahanap ng mga posibleng debris mula sa rocket na inlunsad ng china nitong Lunes, Agosto 4.

Ayon kay West Comm Public information Office Chief Col. Nephtali Padua, nakapagtalaga na ila ng naval vessel at maging rotary aircraft mula sa Western Naval Command at mula rin sa Tactical Operations Wing West para sa pagkakasa ng surface at aerial search.

Sa kabila ng mga efforts at patuloy na search operations ay wala pa ring namataang anumang klase ng debris mula sa rocket launch.

Samantala, magugunita naman na nauna na dito ay mariing kinondena ng National Security Council (NSC) ang nagging paglulunsad ng ganitong operasyon at tinawag na irresponsible testing ang rocket launching ng China na siya namang nagdulot ng takot at pangamba sa mga residente sa Palawan particular na sa Puerto Princesa at ilan pang munisipalidad sa lalawigan.