-- Advertisements --
Patuloy ang mga programa ng Department of Agriculture na sumusuporta sa lokal na magsasaka sa bansa.
Sa tulong ng SAAD Program ng DA, umaangat ang kabuhayan ng mga magsasaka sa Silangang Visayas.
Ayon kay DA-RFO8 Director Larry Sultan, kung dati ay bumibili ng gulay, ngayon ay may sarili nang pananim ang mga magsasaka sa rehiyon habang patuloy na nagsisikap sa kanilang mga pamilya.
Aniya, malaki ang naitutulong ng SAAD para sa pagsasaka kung saan ay nakakatulong ito para ma empowered maging ang mga kababaihang magsasaka.
Ilan sa mga magsasaka roon ay target na palawakin ang kanilang mga poultry project.
Layunin ng SAAD na gawing food secure at independent ang mga komunidad pagsapit ng 2028 sa lahat ng lugar sa bansa.