-- Advertisements --

Pinag-iingat ng Philippine Space Agency (PhilSA) ang mga residente ng Cagayan at Ilocos Norte sa pagbagsak ng debris mula sa rocket na inilunsad ng China.

Ayon sa PhilSA na inilunsad ng China ang Long March 7A rocket sa Wenchang Space site sa Hainan nitong gabi ng Martes.

Base sa kanilang pagtaya na maaring bumagsak ang debris ng 62 nautical miles mula sa Dalapuri Island, 80 NM mula Camiguin Norte at 68 NM ng Santa Ana sa Cagayan ganun din sa 40 NM mula Burgos , Ilocos Norte.

Ang nasabing detalye din ay ibinahagi sa pamamagitan ng nortice to airmen kung saan binalaan nila ang mga piloto ukol sa nasabing aerospace flight activitiy.

Ipinaalam na rin ng PhilSA sa iba’t-ibang government agency bago ang nasabing paglulunsad ng rocket.

Hinikayat din ng ahensiya ang mga residente na ipaalam sa kanila ang anumang sightings ukol sa hinihinalang debris mula sa Chinese rockets.

Pinayuhan din nila ang mga makakakita ng debris na huwag lumapit doon dahil sa posibilidad na nagtataglay ito ng nakakalasong kemikal.