ILOILO CITY – Nakaalerto na ang Philippine Army sa posibleng pag-atake ng rebeldeng grupo kasabay ng 51st anniversary ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army sa Disyembre 26.

Sa eksklusibong panayam ng akay Lt. Col. Joel Benedict Batara, commander ng 61st Infantry Battalion ng Philippine Army, sinabi nito na pinaghahandaan na nila ang anumang karahasan na posibleng gawin ng rebeldeng grupo habang papalapit na ang kanilang anibersaryo.

Ayon kay Batara, mayroong utos mula sa matataas na opisyal ng CPPA-NPA na magsagawa ng karahasan upang matakot ang mga sibilyan.

Inihayag ni Batara na maliban sa law enforcement agencies, target din ng rebeldeng grupo ang mga local chief executive na mayroong malakas na kampanya laban sa insurhensya.