-- Advertisements --
Tinanggap ng Philippine Army ang pagsampa ng kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa mga kapulisan ng Quezon City na bumaril at nakapatay sa dating sundalo.
Sinabi ni Army spokesperson Colonel Ramon Zagala, na isang magandang development ang pagsampa ng kaso laban kina Police Major Sergeant Daniel Florendo at apat na iba pa na responsable sa pamamaril kay dating Corporal Winston Ragos.
Ikakatuwa ito ng pamilya ni Ragos na naghahanap ng hustisya sa pagkasawi ng dating sundalo.
Dahi sa nasabing pagsampa ng kaso ay maipapakita ang pagkilala sa naging sakripisyo ni Ragos sa bansa.
Magugunitang nabaril ng mga kapulisan si Ragos matapos na ito ay lumabag sa ipinapatupad na community quarantine noong Abril.