-- Advertisements --

Bumaba ng halos 8.5-9.6% ang mga nagng carnapping incidents ngayong taon kumpara sa mga nakalipas na taon ayon yan sa Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG).

Batay sa kanilang datos, simula Enero hanggang Hunyo 30, nakapagtala ang HPG ng 140 na kaso ng carnapping sa mga 4 wheel vehicle na mas mababa kumpara noong nakaraang taon na mayroong 162 na naitla insidente.

Habang sa mga motorsiklo naman, nakapagtala ng 964 na kaso ng mga carnapping na mas mababa naman sa datos na naitala nakaraang taon na 1,002.

Binigyang diin naman ni Malang na ang mga datos na ito ay alinsunod sa mga naging direktiba ni PNP Chief PGen. Nicolas Torre III na mas palakasin ang mga presensya ng mga pulis ng kanilang yunit katuwang ang mga lokal na police force para mas mapababa pa ang mga kaso ng carnapping na naitatala sa bansa.