Bumisita sa Philippine National Police (PNP) National Headquarters si Ukranian Ambassador to the Philippines Yulia Fediv para sa iang courtesy call.
Sa naging pagpupulong kasama si PNP Chief PGen. Nicolas Torre III ay tinalakay ng dalawang panig ang pagpplakas pa at pagpapaigting ng ugnayan ng Pilipinas at ng Ukraine sa mga larangan ng law enforcement at maging ng seguridad.
Kasama sa mga napagusapan ay ang kanilang pagtutulungan para pagresolba laban sa mga transnational crimes, pagpapatibay ng cyber security, capacity building at pagpapalitan ng mga ideya o best practices ng bawat kampo.
Samantala, binigyang diin naman ng Pambansang Pulisya na ang mga ganitong klase ng mga ugnayan ay higit pang magpapatibay at magpapalakas sa kakayahan ng mga institusyon gaya ng PNP para sa mas maayos at ligtas na pamayanan sa loob ng bansa.