-- Advertisements --
Buo ang suporta ng Philippine National Police sa panukalang ibaba ang age of discernment para sa mga kabataan na nasasangkot sa anumang uri ng krimen sa bansa.
Sa isang pahayag ay sinabi ni PNP Chief PGen. Nicolas Torre III na ito ay bahagi ng kanilang agenda na isusumite sa Kongreso.
Aniya, sa ganitong paraan ay mabibigyan rin ang PNP ng boses sa sandaling amyendahan ang batas.
Iminungkahi na pag-aralan kung ang kasalukuyang age limit sa batas ay napapanahon pa, dahil sa mas mataas na kamalayan ng mga kabataan dulot ng mas madaling pagkuha ng impormasyon.
Gayunpaman, sinabi ng PNP chief na ang anumang pagbabago sa batas ay dapat nakabatay sa siyentipikong pag-aaral.