Nagpahayag ng kanilang lubos na pagsuporta ang iba’t ibang mga police regional offices sa bansa para sa bagong lideratong ihahandog ni PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr. matapos na maitalaga bilang Acting Chief ng Philippine National Police (PNP).
ang mga regional offices na ito ay nagpabatid ng kanilang pakikiisa sa mga gagawing mga programa at direktiba ni Nartatez bilang bagong pinuno ng pulisya.
Inaasahan din ng mga tanggapan ng pulisya sa bansa na mas mapapalakas ang paglaban ng kanilang hanay sa kriminalidad, katiwalian at maging sa terorismo at mapapalakas din ang malalim na ugnayan ng pulisya sa mga komunidad para sa mas maayos at ligtas na mga lansangan.
Kasunod naman nito y nagpaslamat at binigyang pagkilala din nila ang mga nagawa ni dating PNP Chief PGen. Nicolas Torre III matapos na manungkulan ng 85 araw na itinuturing na pinakamaikling panunungkulan ng isang hepe sa PNP.
Samantala, ilan naman sa mga nagpahayag ng kanilang suporta at pasasalamat ay mula sa mga tanggapan ng Police Regional Office Cordillera, PRO3, PRO 4A, PRO 4B, PRO6, PRO7, PRO8, PRO11 at maging ang Bangsamoro Autonomous Region.