-- Advertisements --

Nakumpiska ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang hinihinalang mga smuggled cigarettes sa Negros Oriental matapos ang ikinasang operasyon ng pulisya.

Ayon kay PNP-HPG Acting Dir. Hansel Marantan, bilang bahagi ng kanilang kampanya kontra sa smuggling at mga smugglers, nagkasa sila ng isang operasyon sa pamamagitan ng mga impormasyon mula sa kanilang intelligence unit hinggil sa umano’y smuggling activity sa Negros Oriental nitong Oktubre 11.

Ayon kay Marantan, tinatayang may street value ito na P20 milyong piso at hinihinalang mga untaxed cigarettes mula sa hindi pa malamang source.

Nang ikinakasa na ang operasyon namataan pa ng mga operatiba ang ilang mga indibidwal na nagsasagawa ng mga pagangkat sa truck nang makita nila ang presensya ng pulisya ay agad na sumibat at iniwan ang mismong mga kontrabando.

Samantala, isang follow up operation naman ang nakatakdang ikasa ng mga operatiba hinggil sa insidente bilang pagpapakita ng kanilang commitment na laban ang mga ganitong iligal na gawain sa bansa.