Hindi pa masasabi ng abogado ni dating Negros Oriental representative Arnolfo Teves kung mapapayagan sila ng korte na maghain ng piyansa para sa kasong murder na kinakaharap nito.
Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, na nitong Miyerkules ay nagsagawa ng bail hearing sa Manila Regional Trial Court Branch 12.
Nagpapasalamat si Topacio, dahil binigyan sila ng pagkakataon na maipresenta ang kanilang argumento.
Naniniwala si Topacio na magiging patas ang Huwis matapos na maibiga nila ang kanilang mga argumento.
Naniniwala naman si Atty. Ferdinand Benitez ang abogado ng witness na si Gemuel Hobro na hindi mapagbibigyan ang hiling ni Teves na makapaglagak ng piyansa.
Nakatakda sanang tumestigo si Hobro sa korte sa darating na Agosto 8 subalit nagka-problema sila sa ilang isyu sa Witness Protection Program kaya sa Agosto 11 na lamang sila dadalo.
Nahaharap si Teves sa pagkakapaslang kay Lester Bato ang bodyguard ng isang kumakandidatong alkalde noong 2019.
May kaso rin siya ng illegal possesion of firearms ang explosives sa parehas na korte.
Itinuturo din si Teves na siyang mastermind sa pagpatay kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo at 10 iba pa noong Marso 4, 2023.