Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang petisyon ng pinatalsik na si Negros Oriental representative Arnolfo Teves Jr na pagpapatanggal sa desisyon ng Anti-Terrorsim Council (ATC) na nagdedeklara siya bilang terorista.
Ayon sa 65-pahinang desisyon ng ninth division ng CA na hindi inabuso ng ATC ang pagkilala kay Teves dahil nakita nila na suportado ito ng mga dokumento.
Mayroong sapat na legal na basehan ang nagpapakita na isang terorista ang hakbang ni Teves.
Magugunitang kaya idineklara ng ATC si Teves kasama ang kapatid at ilang miyembro ng “Teves Terrorist Group” matapos na ituro sila na nasa likod ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degramo ng Pamplona.
Naghain ng petisyon si Teves at sinabing labis ang ginawang pagkilala sa kaniya bilang terorista.
















