-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang bilang ng mga sundalo ng US na nasawi dahil sa pag-atake ng Iran sa Saudi Arabia.

Kinumpirma na ng US Central Command ang pagkaswi ng pampitong sundalo sa naganap na pag-atake ng Iran sa Saudi Arabia noong Marso 1.

Hindi na nito nakayanan ang pinsalang tinamo sa katawan kung saan nanatili pa ito sa pagamutan ng isang linggo.

Una rito ay anim na sundalo ang nasawi sa pag-atake ng Iran sa Kuwait.

Inamin naman ni US President Donald Trump na madadagdagan pa ang bilang ng mga masasawing sundalo.

Pinag-iisipan rin ng US President ang paglalagay ng mga sundalo nila nila sa Iran para tuluyang malabanan ang pag-atake ng mga ito.