Nag-uwi ng gintong medalya ang kopunan ng Pilipinas sa 2019 International Ice Hockey Federation (IIHF) Women’s Challenge Cup, Asia Division 1 sa Abu Dhabi.

Sa nasabing laro, pinadapa ng mga Pinay ang team ng United Arab Emirates (UAE) sa score na 2-1 sa final match.

Si Bianca Cuevas ng team PH ang naging top scorer sa torneo.

Sa inisyal na mga laro, naging impresibo rin ang performance nila, kabilang na ang laban sa Kuwait na sinelyuhan sa 10-0 at 5-0 naman laban sa India.