-- Advertisements --
Kinansela ng Air India ang walong international flights na inooperate ng Boeing 787-8 Dreamliners.
Ang nasabing uri ng eroplano kasi ay siyang sangkot sa pagbagsak noong nakaraang linggo ng nasa 270 katao.
Dahil sa nasabing kanselasyon ay naapektuhan ang mga biyahe patungong London, Paris,Vienna at Dubai.
Tumulong na ang ilang mga bansa sa pag-iimbestiga para malaman ang tunay na sanhi ng nasabing pagbagsak.
Magugunitang ilang minuto matapos ang pag-take off ng flight AI171 mula sa Sardar Vallabhbhai Patel international airport ay bigla na lamang itong bumagsak.
Sa kabuuang 242 na lulan ng eroplano ay mayroong isang pasahero ang nakaligtas.