Kumpiyansa ang National Economic Development Authority (NEDA) na may may kapasidad ang Pilipinas na mabayaran ang mga loans o utang sa labas ng bansa partikular mula sa World Bank (WB) at Asian Development Bank (ADB) sa kabila ng COVID-19 crisis.

Sinabi ni NEDA chief Sec. Karl Kendrick Chua, napakaganda ng fiscal position at credit rating ng bansa (BB+) sa kabila ng inaasahang pagtriple ng ating budget deficit.

Ayon kay Sec. Chua, naibaba rin sa 39 percent nitong Disyembre 2019 ang debt-to-GDP ratio ng bansa noong 2003 na nasa 80 percent.

Inihayag pa ni Sec. Chua na naging maayos ang pangangasiwa ng gobyerno sa pera at ipinakita sa international community na kayang maglaan ng pondo para suportahan ang economic recovery gaya ng naiupasang tatlong Tax Reform Packages.

Ginagamit din umano ng Pilipinas ang mga inuutang na pera sa mga produktibong aktibidad kung saan ang balik ay mas malaki kumpara sa interest rate na binabayaran.

Kaya tiwala daw silang malakas ang fiscal position o kakayahang pangpinasya para mabayaran ang mga obligasyon at maka-rekober din mula sa kasalukuyang krisis.