MANILA – Nadagdagan pa ng 1,790 ang bilang ng coronavirus cases sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).
Dahil dito, umakyat pa sa 537,310 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit sa buong bansa.
“8 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on February 6, 2021.”
Aabot pa sa 26,333 ang total active cases o mga nagpapagaling sa COVID-19.
Mula sa kanila, 87.9% ang mild cases, 5.6% naman ang asymptomatic, at 0.67% ang moderate cases.
Samantalang 3.0% ang critical cases, at 2.9% ang mga severe.
Nadagdagan din ng 11,388 ang total recoveries dahil sa time-based tagging na “Oplan Recovery.” Umaabot na sa 499,798 ang mga gumaling.
Habang 11,179 na ang bilang ng mga namatay dahil sa 70 new deaths.
“1 duplicate was removed from the total case count.”
“Moreover, 55 cases that were previously tagged as recovered were reclassified as deaths after final validation.”