Isinugod sa ospital ngayong araw si PeterJoemel Advincula alyas “Bikoy” dahil sa hirap umano itong huminga.

Nakakaranas din umano ito ng mataas na lagnat, mula pa nitong nakaraang araw.

Ayon sa abogado ni Bikoy na si Atty. Larry Gadon, nagpasya silang dalhin ito sa pagamutan upang masuri ang tunay na lagay ng kalusugan.

Nababahala raw ang pamilya ni Advincula dahil may mga pagkakataong nanginginig pa ito.

Tumanggi naman si Gadon na maglabas ng iba pang detalye ukol sa pinagdadaanan ng kaniyang kliyente.