star fm 2

Trending sa social media site na Twitter ang weekly nationwide Perfect 10 Countdown ng Star FM.

Sa data ay umabot sa higit “100 thousand tweets” ang hashtag ng nasabing programa na #Perfect10Countdown, at nag Top 2 pa sa Philippine trends kagabi.

Usap-usapan sa nasabing site kung gaano tinatangkilik ng mga listeners ang programa ng Star FM.

Sa pamamagitan umano ng programa ng Star FM ay nasusuportahan nila lalo ang kanilang mga paboritong artists at songs.

Nagpapasalamat naman ang mga listeners at netizens sa patuloy na pagbibigay ng mga magagandang musika at saya ng himpilan.

-- Advertisement --

Nagpapasalamat din naman ang buong Star FM sa walang sawang suporta ng mga tagapakinig nito.

Ang Perfect 10 Countdown ay ang nationwide chart ng Star FM na napapakinggan tuwing Sabado, alas dyis ng umaga, at ang replay nito ay tuwing Linggo, alas sais ng gabi.