-- Advertisements --

Tiniyak ng Pentagon na maililikas nilang ligtas ang kanilang mga mamamayan at mga Afghans palabas ng Taliban.

Ayon kay Pentagon Press Secretary John Kirby na mayroong 30 consular officers na nakatalaga sa gate ng paliparan.

Tinutulungan aniya sila ng mga sundalo ng US para sa mabilis na paglikas ng mga Afghans.

Mayroon ding inilagay na checkpoints ang Taliban kung saan regular silang nakikipag-ugnayan kung ano ang nais ng US na isama sa kanlang eroplano.

Aabot na sa mahigit 90,000 na katao na ang nailikas ng US sa Afghanistan mula ng simulan ang paglilikas.

Sa parte naman ng United Kingdom ay nasa 1,200 katao sa loob ng 12 oras ang nailikas nila mula sa Afghanistan at wala aniya silang nakikitang anumang problema.