Inianunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque na tinanggal na ng Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) ang limitasyon sa mga barber shop at beauty salon na hanggang gupit lamang sa buhok.

Sinabi ni Sec. Roque, pwede na rin ang iba pang serbisyo gaya ng manicure, pedicure, foot spa pero alinsunod sa ilalabas na guidelines ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon kay Sec. Roque, malilinawan din sa ilalabas na guidelines ng DTI kung kasama na sa papayagan na rin ang masahe sa mga nagpapagupit.


Kaya dapat umanong hintayin muna ang ipalalabas na panuntunan ng DTI sa mga susunod na araw.