Patuloy na naka-hightened alert ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa weekend matapos ang pinalawig pang bakasyon sa Undas.
Ayon kay PCG spokesperson Armand Balilo, inaasahang magkakaroon ng pagtaas ng maritime traffic sa buong bansa.
Una ng pinaigting pa ang alerto sa mga PCG districts, stations at substations mula Oktubre 25 hanggang Nobiyembre 6 para mapangasiwaan ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan para sa Undas.
Ngayong araw mula kaninang 6am hanggang 12nn, nakapagmonitor ang PCG ng 56,026 outbound passengers at 45,787 inbound pasengers sa lahat ng mga pantalan sa buong bansa.
Samantala, sa mga pasaherong may concerns at paglilinaw sa sea travel protocols at regulations, inaabisuhan ng PCG ang publiko na makipagugnayan sa ahensiya sa pamamagitan ng kanilang online page o sa numerong 0927-560-7729.
NItong Nobiyembre 1, sa assessment ng pambansang ulisya naging mapayapa sa pangkalahatan ang paggunita ng Undas sa kabila ng ilang mga nakumpiskang ipinagbabawal ng kagamitan sa loob ng sementeryo.