-- Advertisements --

Arestado ng National Bureau of Investigation ang tatlong (3) Chinese national sa lungsod ng Paranaque dahil sa Kidnapping at Serious Illegal Detention.

Batay sa impormasyon ng kawanihan, nag-ugat ang kaso kasunod ng makatanggap ng reklamo ang NBI-Cybercrime Division dahil sa umano’y ilegal na pagkakakulong at sapilitang pinagtrabaho nina Zou Tao, Jin Cai, at Junying Lyu ang biktima.

Buhat nito’y ikinasa ang rescue operation sa pagtutulungan ng Philippine National Police, City Prosecutor’s Office, barangay, condominium’s security management at mga tauhan ng NBI tungo sa lokasyon ng nagsumbong.

Dito natagpuan ng mga otoridad ang tatlong indibidwal at isang biktima na nakaupo sa higaan.

Positibong kinilala ng biktima ang naturang tatlong indibidwal bilang responsable sa ginawang ilegal pagkulong.

Narekober sa mga ito ang posas na ginamit sa biktima, at ilang kompyuter na hindi nakitaan ng indikasyon na may kinalaman sa investment scam.